O pare ko,
meron akong problema.
'wag mong sabihin "na naman".
in-love ako
sa isang kolehiyala.
hindi ko maintindihan.
'wag na nating idaan
sa maboteng usapan
lalo lang madaragdagan
ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan.
anong sarap,
kami'y naging magkaibigan.
napuno ako ng pag-asa.
yun pala,
hanggang doon lang ang kaya.
akala ko ay puwede pa.
masakit mang isipin,
kailangan tanggapin.
kung kailan ka naging seryoso,
saka ka niya gagaguhin.
o diyos ko! ano ba naman ito?
di ba, 'langhiya *
nagmukha akong tanga.
pinaasa niya lang ako.
lecheng pag-ibig 'to.
diyos ko,
ano ba naman ito?
sabi niya,
ayaw niya munang magkasyota.
dehins ako naniwala.
di nagtagal,
naging ganun na rin ang tema.
kulang na lang ang sagot niya.
ba't ba ang labo niya?
di ko maipinta.
hanggang kailan maghihintay,
ako ay naiinis na.
pero,
minamahal ko siya.
di biro,
t.l. ako sa kanya.
alam kong nababaduyan ka na
sa mga sinasabi ko
pero sana naman ay maintindihan mo.
o pare ko,
meron ka bang maipapayo?
kung wala
ay okay lang.
kailangan lang ay
iyong pakikiramay.
nandito ka ay ayos na.